-AUSG Prexy Edward Lacap
(original Facebook Note)
1. Kung ikaw po bilang isa sa mga namumuno ng page na ito ay kinakatawan ang lahat ng nagpapatakbo at bumubuo ng page na ito. Malugod ko pong tinatanggap (pang personal na level lamang) ang inyong paghingi ng paumanhin.
2. Kung sa paghingi niyo po ng tawad ay nangangahulugan na may pagkakamali kayo o isa sa mga pamunuan nito. Sana ay matuto na po lahat kung papaano ang pagpapatakbo ng tama sa isang "social network page".
3. Kung ang nais niyo lang po talaga non ay ilahad ang hinaing ng mga estudyante. Dapat kayo po mismo ay naging patas at kinuha muna ang panig namin. "Media Etiquette" po ang pinaka kailangan aralin muna kapag gusto maglabas ng mga balita.
4. Nakita niyo naman po siguro kung gaano kalaking kasiraan at pamamahiya sa AUSG ang naidulot ng "nirepost" ninyong paninira ni Alfred Zaragosa at ang "sarili ninyong panananilita na walang student council, mga tuta kami ng admin, mga bulag at pipi" kami. Kung siryoso man po kayo ngayon sa paghingi ng tawad. Sana kung gaano po kayo kabilis o ka-"active" noon habang sinisiraan kami. Sana po ganun din kayo kabilis ngayon na tulungan kami na iparating sa mga Adamsonian na pawang kasinungalingan lang ang mga "pinost" at "nirepost" ninyo at dulot lang ito ng sabihin na natin hindi kayo "inform".
5. Inuulit ko po. Ang mahalaga samin ay napapakinabangan ng mga estudyante ang mga nagagawa namin. Kahit hindi na kami ma "recognize" o ma "credit". Dahil trabaho po namin kung anu man ang ginagawa namin para sa estudyante de gobyerno. Alam kong ramdam niyo naman ngayon ang mga binangit ko sa "statement" ko kahapon.
6. Sana magkaisa po tayong lahat para sa ikakabuti pa ng ating AUSG at umasa kayo na tanging "kapakanang tama" po para sa mga estudyante at sa pamantasan ng adamson ang gagawin namin.
Maraming Salamat po,
Edward Bonifacio Lacap
AUSG President 2011-2012