(photo via crapmachine.wordpress.com)
I was an incoming freshman back then. Enrolled na nga ako sa Mapúa Institute of Technology no’n eh. But I have to withdraw my credentials. I was advised by my scholarship granter to enrol on a different school because my program at Mapúa is not identified as a program under my scholarship grant. Nalungkot ako syempre. Dream school ko kasi ang Mapúa eh (next to La Salle) since I’ve chosen ECE to be my program. May list ako ng schools no’n and it’s May, so most schools aren’t going to accept applicants anymore. The only school left is Adamson. Kaya kasama ang nanay ko (oo, she’s with me, takot akong pumunta sa Manila alone kasi it’s my first time and I guess everybody, if not, experiences a first time), we went to Adamson.
Ang baho ng Adamson no’n. Sobrang itim ng tubig sa may Falcon bridge at halos lahat ng tao nakatakip ang ilong. Mainit pa, kaya lalong nakakainis. I told my mom, “Mabubuhay kaya ako dito?”
Mataas pa ang pader sa harap ng SV building no’n (in case you don’t know). Luma ang pintura, walang security guard na nagpapatawid sa mga tao at wala pa ang wall structure that bears our school name sa tabi ng ST gate. In short, sobrang plain ng Adamson dati. Kumbaga sa pagkain, walang flavor.
Nag-enrol pa rin ako. Mura daw kasi sabi ng nanay ko at wala naman akong choice. Pag-uwi ko, nag-research ako tungkol sa Adamson at kung ano ang meron dito. Una kong nalaman that Adamson has the biggest chemistry laboratory in Southeast Asia (trivia ‘to kaya tandaan n’yo). Also during that time, Adamson is one of the top 20 schools in the Philippines (hanggang ngayon naman yata eh). Lastly, I was happy to know then that Adamson is a UAAP member (wala pa ‘kong idea na underdog ang Adamson sa basketball no’n, marahil dahil wala namang may balak magkuwento tungkol do’n). Kahit pa’no alam kong ‘di nagpapahuli ang school na papasukan ko.
Then came the UAAP season. That was the year when Adamson has finally gotten a seat in the Final Four since the Final Four format was introduced on 1994. Sina Ken Bono (who was then awarded as the season’s MVP) at Patrick Cabahug ang star players. Suspended pa nga ang La Salle no’n because of a player’s fake profile. Sobrang saya ng UAAP season na ‘yon for Adamson at katulad ngayong taon, Ateneo din ang nakaharap ng Adamson sa Semi-Finals. (UST ang nanalo sa Finals.)
Eh ano ba ang relevance ng mga kinukuwento ko? When Adamson made it to the Final Four that year, was also when I started to feel proud as an Adamsonian. Naging favourite color ko pa nga ang blue no’n at naisipan ko pang lahat ng gamit ko should be in blue. Wala talaga akong collections, pero pagpasok ko sa Adamson, nakatuwaan kong itago lahat ng resibo ko at lahat ng grades simula Prelim of First Sem of my first year. Kahit sa’n ako magpunta, whenever I was asked by a friend, a peer, or a neighbor kung sa’n ako nag-aaral, binubuo ko ang pagsasabi ng “Adamson University”. I always wear my ID before and after going to school (wala kasi tayong unique identity gaya ng uniforms ng FEU at UST, kaya to be recognized, I always do this). I cheer for every game kahit nawawalan na ‘ko ng boses at halata namang matatalo na ang Adamson (‘yong iba nga dati, 3rd quarter pa lang lumalabas na ng Araneta). I always sing the Adamson Hymn in every program that I’m attending sa school and after every UAAP game. Ang OA na ba? Sa ‘kin kasi hindi. This is how I simply show my school spirit. Naniniwala akong kung ang mga Tomasino, Atenista, La Sallista, taga-UP, taga-UE, taga-FEU at mga taga-NU ay proud sa mga schools nila, dapat ang isang Adamsonian ay proud din sa Adamson. Hindi ba?
Kaya guys, be proud. Don’t be shy and get intimated. Ang kaya ng iba, kaya rin natin. ‘Wag nga lang sa kalokohan. Hehe. ‘Wag kayong magpapalait. Speak up. Hindi lang sa English nabubuhay ang mga tao. (I’m not saying that we’re not good in English.) Tip: Kung sakaling may magtangkang kausapin kayo sa English at hindi kayo comfortable na magsalita in English, ipa-translate n’yo sa Filipino, word by word. Naging totoo ka na, nahirapan pa sila. (‘Yong iba din kasi hindi naman talaga alam ang sinasabi. Kailangan lang silang mahuli sa sarili nilang mga bibig. Hehe.)
Hindi naman mahirap ang maging isang proud Adamsonian eh. ‘Yon mga ginagawa ko nga, alam ko marami pang iba ang gumagawa no’n. At kung ikaw eh talagang walang ginagawa sa mga nabanggit, I know in time you will do the same. Hindi ka ba gagaya ‘pag marami na ang gumagawa no’n at ikaw na lang ang hindi? Hehe.
In the end, I still believe that the moment one chooses to study at Adamson would also be the same time he/she has started to become proud of being an Adamsonian. Sadyang tinatago lang.
Pa’no classmates, magkita-kita na lang tayo sa Falcon bridge. = )